Mayor Vicente Loot, inaming kumpare si Peter Lim

jan loot dilg apprerance1 7816
Kuha ni Jan Escosio

Hindi lang kakilala kundi kumpare pa ni Retired Police General Vicente Loot ang isang Peter Lim.

Ngunit iginiit agad ni Loot na hindi niya tiyak kung ang kumpare niyang Peter Lim ang Peter Lim na tinukoy ni Pangulong Rodrigo Duterte na drug lord.

Kasabay nito, umaasa pa rin si Loot na mabibigyan pagkakataon siya na personal na makausap si Ginoong Duterte.

Panawagan din nito na kung may papangalanan pa ang pangulo na mga opisyal na sangkot diumano sa droga hiling niya na suriin munang mabuti ang impormasyon.

Kabilang si Loot na pinaratangan ng pangulo na sangkot sa droga bagay na mariing itinatanggi ng ngayo’y alkakde ng bayan ng Daanbantayan sa Cebu.

Read more...