Patay sa Typhoon Carina, habagat umakyat na sa 36 – NDRRMC

By Jan Escosio July 29, 2024 - 01:44 PM

PHOTO: Mga miyembro ng rescue team namamangka sa isang binahang kalye sa Manila dahil sa Typhoon Carina, nitong Miyerkules, ika-24 ng Hulyo 2024 STORY: Patay sa Typhoon Carina, habagat umakyat na sa 36 – NDRRMC
Mga miyembro ng rescue team namamangka sa isang binahang kalye sa Manila dahil sa Typhoon Carina, nitong Miyerkules, ika-24 ng Hulyo 2024. —Kuha ni Ted Aljibe ng Agence France-Presse

METRO MANILA, Philippines — Kinumpirma ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na 36 na ang nasawi dahil sa pinagsamang epekto ng habat at Typhoon Carina (international name: Gaemi).

Nabatid ng Radyo Inquirer nitong Lunes na 14 ang nakumpirma na, samantalang 22 ang sumasailalim pa sa kumpirmasyon, kabilang ang 15 sa Metro Manila, lima sa Calabarzon, at tig-isa sa Ilocos Region at  Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Nasa 1.24 milyon na pamilya, na may katumbas na higit 4.553 milyon indibiduwal, mula sa 3,854 barangay ang na-apektuhan ng Carina, ayon sa NDRRMC.

BASAHIN: GSIS may P18.5B para sa Typhoon Carina emergency loan

May 152,800 indibiduwal ang nananatili sa evacuation centers at may 641,944 naman ang patuloy na binibigyan ng tulong.

Umabot naman sa P355,6 milyon ang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura at P1.69-bilyon naman sa mga imprastraktura.

TAGS: Carina, Gaemi, NDRRMC, Carina, Gaemi, NDRRMC

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.