METRO MANILA, Philippines — Naglaan ang Government Service Insurance System (GSIS) ng P18.5 bilyon para sa 864,089 na mga miyembro at pensioner nito na naapektuhan ng nagdaang Typhoon Carina (internation name: Gaemi).
Ang mga apektadong miyembro ay nasa Batangas, Rizal, at Metro Manila — mga lugar na idineklarang calamity areas.
Ang aplikasyon para sa loan ay tatanggapin simula bukas ng Biyernes, ika-26, hanggang ikaw-28 ng Oktubre.
Ang mga miyembro at pensioner na may binabayaran pang emergency loan ay maaring maka-utang ng hanggang P40,000 para mabayaran ang kanilang utang at matanggap ang kanilang bagong uutangin.
BASAHIN: May mahuhugot na $500M para sa response sa Carina – Recto
Ang mga wala naman loan sa GSIS ay makakahiram ng hanggang P20,000.
Mag 6.3% interest ang utang at maaring bayaran ng hanggang tatlong taon.