Lalaking nagtangkang tumalon sa poste ng Meralco sa Maynila, naibaba na

13624710_10210373357516195_867786225_n
Kuha ni Erwin Aguilon

Makalipas ang halos limang oras naibaba na ng mga rescue team ang isang lalaki na umakyat sa poste ng Meralco sa Leon Guinto malapit sa panulukan ng San Andres St., Malate, Maynila.

Nahirapan ang mga rescue team na iligtas ang lalaki na nakilala lamang sa alyas na Raffy dahil sa malakas na buhos ng ulan.

Pinakain pa ng mga ito ang lalalki na sinasabing nasiraan ng bait matapos iwan ng kanyang misis.

Ng magkaroon ng pagkakataon ang mga rescuer kaagad inakap ang lalaki saka dahan dahang ibinaba gamit ang isang tower crane.

Dinala naman agad sa ospital ang lalaki upang ito ay masuri.

Read more...