Pagdinig sa drug related killings sa pagbubukas na ng Senado tatalakayin

bam-aquino-inquestSinabi ni Senator Bam Aquino na maaring sa muling pagbubukas ng sesyon sa Senado ay matatalakay na ang isasagawang imbestigasyon sa araw araw na pagpatay sa drug personalites.

Ayon kay Aquino karapatan naman ni Senator Leila De Lima na humiling ng inquiry in aid of legislation.

Giit ng senador sa ngayon ay dapat naman talaga na matutukan ang isyu o problema sa droga sa bansa.

Kahapon sinabi ni De Lima na nais niyang maimbestigahan ang mga nagaganap na pagkamatay ng drug personalities sa pangamba na bansagang killing fields ang Pilipinas.

Read more...