Binabatikos na PWD ramp sa EDSA bus station ipapaayos ng MMDA

PHOTO: MMDA Chairman Don Artes STORY: Binabatikos na PWD ramp sa EDSA bus station ipapaayos ng MMDA
Don Artes, chair of the Metropolitan Manila Development Authority (Photo mulâ sa Facebook page of MMDA)

METRO MANILA — Nakikipag-usap na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga kilaláng arkitekto para magawin ng remedyo ang binabatiko na PWD ramp sa Philam Station ng EDSA Bus Carousel sa Quezon City.

Ang rampa ay nakahatak ng napakaraming batikos sa social media dahil sa napakatarik daw nito para mga persons with disability (PWD).

Libre ang magiging serbisyo ng arkitekto at maging ang contractor aayos sa ramp, ayon sa pahayág ni MMDA Chairman Don Artes nitóng Huwebes.

BASAHIN: Poe blasts Edsa busway station ramp design: ‘Buwis-buhay’

Aminado si Artes na hindí perpekto ang disenyo ng rampa, ngunit kinatwiran niyá na ginawâ itó alinsunod sa itinakdáng mga limitasyón ng pamunuán ng MRT 3.

Dagdág pa nitó. bubuksan lamang nila ang istasyon sa mga pasahero kapág natapos na ang pagsasa-ayos sa naturang rampa.

Sinabi din ni Artes na kung tutuusín ay hindí namán napakatarík ng rampa kung personál na titingnán. Nagmukhâ lamang daw itóng matarík dahil sa ánggulo ng mga naglabasang larawan at video.

Read more...