Online sellers sinimulán nang kolektahán ng buwís

By Jan Escosio July 17, 2024 - 03:30 PM

PHOTO: Composite photo of BIR logo and 1000-peso bill STORY: Online sellers sinimulán nang kolektahán ng buwís
INQUIRER.net stock image

METRO MANILA, Philippines — Noóng nakaraáng Lunes, ika-15 ng Hulyo, ang unang araw nang pangongolekta ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ng witholding tax sa mga online sellers.

Sinabi ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. na ang electronic marketplace operators ang nagsimuláng magpataw ng buwís sa mga online traders.

Ipinaliwanag niyá na hindî na bagong buwís ang sinimuláng ipataw kundî ito ay isáng urî na ng advance payment sa kabuuáng buwís na dapat bayaran ng online seller.

BASAHIN: Tax stamp sa vape products simulá na sa Hunyo 1

BASAHIN: DOE pumabor sa tax incentives sa e-motorcycles

Nakasaád sa Revenue Regulations (RR) No. 16-2023 na magpapataw ng 1% witholding tax sa kalahatì ng kabuuáng remittances ng e-marketplace operators sa online traders sa mga produkto o serbisyo na binayaran sa pamamagitan ng kaniláng platform.

Sakop nitó ang marketplaces para sa online shopping, food delivery, pag-book ng lodging accomodations, at ibá pang urì ng mga online service para sa mga produkto at serbisyo.

TAGS: Bureau of Internal Revenue, online sellers withholding tax, Bureau of Internal Revenue, online sellers withholding tax

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.