METRO MANILA, Philippines —Iniimbestigahán na ng pamunuán ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI) ang napa-ulat na bentahan ng laman-loób ng tao.
Sa pahayág ng ospital, nakumpirmá na ang nurse na itinuturong utak ng sindikato ay kawaní ng NKTI.
Unang inanunsyo ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pagkakaaresto sa tatloóg katao sa Bulacan na sangkót daw sa bentahan ng mga laman-loob ng tao, partikular na ang bató.
BASAHIN: NKTI probes alleged kidney trafficking
BASAHIN: Government ayuda scams sa LGUs ibinuking ni Sen. JV Ejercito
Nagbabalâ na rin sa publiko ang NKTI na iwasan ang pakikipag-usap sa mga indibidwál, grupo, o organisasyón na nagpapakilalang konektado sa ospitál.
Dagdág-abiso pa ng ospitál, tanging mga lehítimong transaksyón lamang ang kinikilala nitó kaugnáy sa living or deceased organ donation at transplantation.