Ejercito nababahalà sa ‘unprogrammed fund’ mulâ sa Philhealth

By Jan Escosio July 17, 2024 - 03:16 PM

PHOTO: PhilHealth branch office STORY: Ejercito nababahalà sa ‘unprogrammed fund’ mulâ sa Philhealth
PhilHealth branch office —File photo na kuha ni Grig C. Montegrande, Philippine Daily Inquirer

MANILA, Philippines — Mapaít sa panlasa ni Sen. JV Ejercito na ilipat sa unprogrammed fund ng pambansang gobyerno ang reserve fund ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth).

Sa kanyáng pahayág nitóng Miyérkules, kinatuwiran ni Ejercito, na siyáng may akdâ ng Universal Health Care Law, kailangan ay bigyán prayoridád na matupád ang mga nakasaád sa naturang batás.

“Ang pondo para sa kalusugan ay dapat gamitin para sa kalusugan,” aniya.

BASAHIN: House nababahalà sa lawak ng epekto ng PhilHealth data breach

BASAHIN: Pagsuspindi ng PhilHealth rate hike inilapit kay Marcos

Idiniín pa ng senadór na dapat ay unahin ang pagpapataás ng kalidád ng benepisyo at pagpapababà ng binabayarang kontribusyón ng mamamayán.

Nilinaw namán ni Ejercito na naiintindihán niyá na nangangailangan ng pondo ang ibáng mga programa ng gobyerno, ngunit hindî dapat galawín ang pondo ng PhilHealth sa ibang paraán.

Base sa UHC Law ang anumang labis sa pondo ng PhilHealth ay maaaring gamitin lamang sa mga programa ng ahensya.

TAGS: JV Ejercito, Philippine Health Insurance Corp., JV Ejercito, Philippine Health Insurance Corp.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.