PSA tiniyák ang tulong sa pagpuksâ sa mga fake birth certificate

PHOTO: Certificate of Live Birth document heading closeup STORY: PSA tiniyák ang tulong sa pagpuksâ sa mga fake birth certificate
INQUIRER.net file photo

METRO MANILA, Philippines — Patuloy na makikipagtulungán ang Philippine Statistics Authority (PSA) sa ibat-ibáng ahensya ng gobyerno sa kampanyá laban sa pagkalat ng mga fake birth certificate.

Ito ang tiniyák ni PSA Director Geneneral Dennis Mapa nitóng Linggó.

Ániya, ang PSA ang nagbahagî sa National Bureau of Investigation (NBI) ng mga impormasyón kaugnáy sa naibigáy na palsipikadong birth certificate sa 200 Chinese nationals mulâ sa Santa Cruz, Davao del Sur.

Sinabi ni Mapa na ang mga palsipikadong birth certificate ay inisyu ng lokál na civil registry.

BASAHIN: ‘Invisible’: 3.7M na Filipino waláng birth certificate – Jinggoy Estrada

BASAHIN: Bane of late birth registration – INQUIRER EDITORIAL

Sinibák na ng alkalde ang civil registrar kasunód ng rekomendasyón ng PSA.

Base na rin itó sa katulád na insidente na inimbestigahan ng ahensya noóng nakaraáng taón.

Noóng nakaraang Nobyembre, nadiskubré sa mga pagdiníg sa Senado na may higit 300 palsipikadong birth certificate ang ginamit ng mga banyagà at mga  Filipino para sa aplikasyón ng Philippine passport.

Read more...