P6.35-trillion budget sa 2025 ihihirit ng Palasyo sa Kongreso

By Jan Escosio June 28, 2024 - 02:34 PM

PHOTO: Amenah Pangandaman STORY: P6.35-trillion budget sa 2025 ihihirit ng Palasyo sa Kongreso
Budget Secretary Amenah Pangandaman —INQUIRER.net file photo mulâ kay Ryan Leagogo

METRO MANILA, Philippines — Nasa P6.352 trillion ang panukalang national budget para sa 2025, ayon sa Development Budget Coordination Committee (DBCC).

Ang halagá ay mataás ng 10.1% kaysa P5.768 trillion na budget ngayóng taon, paliwanag ni Budget Secretary Amenah Pangandaman, ang chair ng DBCC.

Isusumité aniya ng DBCC sa Kongreso ang panukalang budget sa ika-29 ng Hulyo, isáng linggó makalipas ang ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

BASAHIN: A win for budget transparency – INQUIRER EDITORIAL

Binanggít ni Pangandaman na ang tema ng pambansáng pondo sa susunod na taón ay “Agenda for Prosperity: Fulfilling the Needs and Aspirations of the Filipino People.”

Layunin aniya ng 2025 national budget na mapagbuti ang kakayahán ng pamilyang Filipino, mapalakás ang sektór ng produksyón para sa karagdagang mga trabaho at para sa produksyón ng dekalidád na mga produkto.

TAGS: 2025 national budget, Amenah Pangandaman, 2025 national budget, Amenah Pangandaman

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.