METRO MANILA, Philippines — Umakyát na sa 60,841 na pamilya – o 54,289 na mga indibidwal — ang apektado ng pagbahá sa Mindanao, ayon sa situational report na nilabás nitóng 8 a.m. ng Lunes ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Ang mga naapektuhan ay nasa 310 na mga barangay sa 38 na mga lungsod at 11 na mga bayan sa 11 lalawigan sa limang rehiyon.
Sa buóng bilang, nasa 4,767 na pamilya — o 17,260 na indibidwal an nailikas na sa 55 mga evacuation center.
Walâ pang naiulat na nasawî, nasaktán at nawawalâ, ayon pa sa NDRRMC.
Nabatíd ng Radyo Inquirer na may 131 lugár sa mga nabanggit na apektadong barangay ang lubóg pa sa bahá.
Nasa higit P17.8 na milyon na ang halagá ng naitataláng pinsalà sa sektor ng agrikultura.