Communication systems, interoperability bilin ni Marcos sa PNP
METRO MANILA, Philippines — Binigyán ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Philippine National Police (PNP) na magtaguyod ng maayós na sistemang pang-komunikasyón at pagbutihin pa ang “interoperability” nitó.
Sinabi ito ni Marcos sa command conference ng PNP sa Camp Crame matapos na mabanggít ni PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr., ang isyu sa kaniláng mga kagamitán.
Bilin ng pangulo na dapat ay pag-isipan ng hustó ng PNP ang pagbilí ng mga kagamitán para sa komunikasyón.
“We have to be able to communicate to each other, lalung-lalo na dito sa mga disaster response. Kailangan alam natin kung ano ‘yung situation on the ground. Kailangan ‘yung nandoon na pulis, makapag-report kaagad na may nangyari, ganito yung situation, ito ‘yung kailangan namin,” ani Marcos.
Dagdág pa niya: “We really need to come up with a plan to improve the communications capability of PNP. You cannot do your job without being able to communicate because mag-aantay kayo ng instructions, magre-report kayo sa central office, etc.”
Sabi pa ni Marcos na sa upgrade ng mga gamit pang-komunikasyón ay dapat isipin ng PNP ang akmâ sa sitwasyón nitó.
“Kahit ‘yung pulis malipat sa ibang lugar, pareho pa rin ang gamit, pareho pa rin ang procedure, pareho pa rin ang sistema. So, I think that’s very important thing: there has to be consistency,” ani Marcos.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.