Dela Rosa nanghihinayang sa pag-veto sa PNP reform bill
METRO MANILA, Philippines — Labis ang panghihanayang ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa sa pagkaka-veto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa isinulong niyáng Philippine National Police (PNP) Reform and Reorganization Bill.
Paniwalà ni dela Rosa, na nagíng hepe ng PNP nung administrasyón ni Rodrigo Duterte, na nag-aksayá lamang silá ng kaniláng panahón at pagod sa paggawâ ng Senate Bill No. 2449.
Bukód pa dito, napuntá sa walâ ang pagsusumikap ng Department of the Interior and Local Government (DILG), National Police Commission (NAPOLCOM), at PNP.
BASAHIN: Communication systems, interoperability bilin ni Marcos sa PNP
Sinabi pa ng senadór na ang desisyón ni Marcos ay pagtanggí sa kinakailangang reporma sa PNP.
Tiniyák na lamang ng senadór sa PNP na patuloy niyáng susuportahan ang organisasyón na iláng taón din niyáng pinamunuan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.