Dagdág 1 kg ng ‘floating shabú’ nalambát sa Ilocos Norte
METRO MANILA, Philippines — Kinumpirmá ng Philippine National Police (PNP) na may nasamsám na karagdagang 1 kg ng “floating shabú” sa Pasuquin, Ilocos Norte.
Base sa ulat, 3:30 p.m. noong Miyerkulés nang ibigáy sa mga awtoridád ang droga na nagkakahalagá ng P6.7 na milyon.
Naunáng nadiskubre ang may 11.5 kg ng shabú na nagkakahalagá ng P78.5 na milyon ang nadiskubré sa dagat na sakop ng Agno, Pangasinan.
BASAHIN: P56M na shabu sa balikbayan box mula Thailand nasamsám ng BOC
Bago nitó, iláng pakete ng shabú ang natagpuán din na palutang-lutang ng mga residente sa nasabing bayan at itó ay nagkakahalagá ng P71.8 na milyon.
Hanggáng noóng ika-2 Hulyo ay may 87 shabú packs na ang nakuha sa dagat na sakop ng Ilocos Sur, at ang mga itó ay may kabuuáng halagá na P591 na milyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.