Cebu Pacific plane nabalahaw sa damuhán ng NAIA runway

By Jan Escosio July 12, 2024 - 11:40 AM

PHOTO:  Cebu Pacific plane stuck on the grassy part of a NAIA runway STORY: Cebu Pacific plane nabalahaw sa damuhán ng NAIA runway
Itó yung Cebu Pacific plane na nabalahaw sa may gilid ng runway sa NAIA nitóng Biyernes, ika-12 ng Hulyo 2024. —Larawan mulâ sa Manila International Airport Authority

METRO MANILA, Phililppines — Nabalahaw sa sa madamómg gilid ng taxiway ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang eroplano ng Cebu Pacific madalíng araw nitóng Biyernes, ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA).

Walâ namáng sakáy na mga pasahero at crew ang eroplano dahil ito ay hinahatak upang maiparada sa Bay 111 ng NAIA Terminal 3.

Nabatíd ng Radyo Inquirer na malakás ang buhos ng ulán ng mangyari ang insidente sa taxiway intersection G13.

BASAHIN: VietJet Air plane nag-emergency landing sa Laoag airport

BASAHIN: Kasunduan sa NAIA rehabilitation pinirmahán sa Malacañang

Pansamantaláng hindi nagamit ang Bays 110 at 112 dahil sa pangyayari at iláng biyahe ang naapektuhán.

Bago 11 a.m. ay naalís na ang eroplano sa gilid ng runway.

Humingî na ng paumanhín at pang-unawà ang CebuPac sa mga naapéktuhan ng insidente.

TAGS: cebu pacific, NAIA runway closure, cebu pacific, NAIA runway closure

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.