SAF commando, 5 na suspek patay sa shootout sa Cotabato

PHOTO: Cotabato province map
INQUIRER.net file image

METRO MANILA, Philippines — Nasawî ang isáng commando ng Special Action Force (SAF) ng Philippine National Police (PNP), isang sinasabing criminal gang leader, at apat sa kanyáng mga tauhan sa isáng shootout  na nagyari nitóng 9 a.m. ng Huwebes sa Aleosan, Cotabato.

May anim pang mga pulís, kabilang ang dalawáng opisyal, ang nasugatan, ayon kay  Capt. Jennifer Amotan, ang hepe Aleosan Municipal Police Station.

Aniya, isisilbí sa isang Macabuat Salik, alias Iskoh, ang mga search warrant para sa illegal possession of firearms at illegal possession of drugs sa bahay ng suspek sa Barangay New Panay nang naganáp ang barilan.

BASAHIN: 3 pulis patay sa shootout vs crime group sa Samar

Biglâ na lamang pinaputukán ang mga pulis at tumagál ng kalahating oras ang pagpapalitan ng mga putók.

Nasawí si Cpl. Jed Michael Gregorio ng SAF, samantalang hindí na umabot ng buháy sa ospital si Salik at apat sa kanyang sugatan tauhan.

Nakuha sa bahay ni Salik ang iláng mga baríl, mga pampasabog, at hinihinalang shabu.

Read more...