Pagawaan ng paputok sa Laguna nasunog, 2 patay

By Jan Escosio February 01, 2024 - 06:50 PM

FILE PHOTO

Nasawi ang dalawang katao at may humigit kumulang na 10 iba pa ang nasaktan nang masunog ang isang pagawaan ng mga paputok sa Cabuyao City, Laguna kaninang hapon.

Sa paunang impormasyon, alas-3:30 nang may sumabog sa Diamond Fireworks sa Barangay Bigaa at agad nang kumalat ang apoy.

Nang maapula ang sunog ala-5:47 natagpuan na ang dalawang sunog na bangkay gayundin ang mga sugatan, na pawang isinugod sa Ospital ng Cabuyao.

Inaalam pa ang pinagmulan ng sunog ng arson investigators.

Hiniling na rin ang pagsasagawa ng post blast investigation ng mga tauhan ng Explosive and Ordnance Division.

 

TAGS: Cabuyao, factory, fire, fireworks, laguna, Cabuyao, factory, fire, fireworks, laguna

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.