Mental stress hindí puwedeng palusót ni Alice Guo – Hontiveros
METRO MANILA, Philippines — Hindi maaaring idahilán ni suspended Mayor Alice Guo ng Bamban, Tarlace ang “mental stress” upang hindí dumaló sa pagdiníg sa Senado bukas, araw ng Miyerkules, ayon kay Sen. Risa Hontiveros.
Una nang pinadalhan ng subpoena ng Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality si Guo dahil sa hindi na pagsipot sa nakaraáng pagdiníg.
Inanunsyo ng kampo ni Guo ang hindí nitó pagdaló dahil sa sobrang stress sa mga nangyayari sa kanyá.
Tinanggáp ang subpoena ni Nicole Jamilla, isa sa mga abogado ni Guo, sa David & Jamilla Law Office noóng ika-5 ng Hulyo.
BASAHIN: Alice Guo nagkakasakít daw dahil sa stress ng Senate hearing
BASAHIN: Comelec magkakasá ng election cases laban kay Mayor Alice Guo
Naisilbí din ang subpoena para kay Nancy Gamo, ang itinuturong accountant ng alkalde.
Nagbabalâ rin si Hontiveros na kung hindí mulíng haharap sa komité si Guo ay maaaring siyáng ipa-cite for contempt at ipaaresto.
Nabatíd ng Radyo Inquirer na hindí namán tinanggáp ang subpoena para sa mga magulang at mga kapatíd ni Guo dahil ang tanging kliyente nilá ay ang suspindidong alkalde.
Hindí rin nasil naisilbí magíng ang subpoena para sa mga sinasabing mga kasosyo sa negosyo ni Guo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.