Alice Guo nagkakasakít daw dahil sa stress ng Senate hearing
METRO MANILA, Philippines — Hindí dumaló nitóng Miyerkules si suspended Mayor Alice Guo ng Bamban, Tarlac, sa pagpapatuloy ng pagdiníg ng Senate Committee on Women and Children ukol sa nábunyag na illegal Philippine offshore gaming operator (POGO) hub sa Bamban, Tarlac.
Sa sulat na pinadalá ni Guo sa komité, sinabi niyá na siyá ay nagkasakit dahil sa nagdulot ng matindíng stress ang mga alegasyón laban sa kanyá.
Iniuugnáy si Guo sa operasyón ng sinalakay na POGO hub at inaakusahán siyang hindí Filipino, bukod pa sa pinagdududahan siyáng na sangkót sa ibat-ibáng krimén.
Dalawáng ulit na dumaló sa pagdiníg sa Senado si Guo kung saán siya ay pinaratangan na nagbibigáy ng maling testimonya, kung hindi man ay naglilihim.
BASAHIN: ‘Freeze assets’ ni Alice Guo, hirit ni Jinggoy Estrada sa AMLC
BASAHIN: Mayor Alice Guo sinipà na sa Nationalist People’s Coalition
Sa pagdiníg nitóng Miyerkules, inilabás ni Sen. Risa Hontiveros ang National Bureau of Investigation clearance ng isang “Alice Leal Guo” na ibá ang larawan kay Mayor Guo.
Hihintayín na lamang ang resulta ng fingerprints matching ng dalawáng Alice Guo.
Samantala, sinabi ng Philippine Statistics Authority (PSA) na “irregular” ang late registration ni Guo kayat inirekomend´ nitóng kanselahín itó.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.