Bigtime fuel price hike ikakasá nitóng Martés, ika-9 ng Hulyo

PHOTO: Fuel pumps STORY: Bigtime fuel price hike ikakasá nitóng Martés, ika-9 ng Hulyo
INQUIRER.net FILE PHOTO

METRO MANILA, Philippines — Magpapatuloy bukas, ika-9 ng Hulyo, ang pagtaás ng mga produktong petrolyo.

Sa magkakahiwaláy na anunsyo ng mga kompanyá ng langís, P1.60 ang madadagdág sa presyo ng kada litro ng gasolina, 65 na sentimo naman sa krudo, at 60 na sentimo sa gaás.

Itinurong dahilán sa paggaláw ng mga presyo ang nagpapatuloy na tensyón sa Gitnang Silangan at ang maaaring pagtaás ng pangangailangan sa langís sa mga bansâ na nag-aangkát din ng langís.

BASAHIN: Mas mura ang kuryente mula sa nuclear energy – JV Ejercito

BASAHIN: Publiko hinikayat ni Sen. Lito Lapid na gumamit ng solar panels

Noóng nakaraáng linggó, nadagdagán na ng 95 na sentimo ang halaga ng gasolina, 65 na sentimo sa krudo, at 35 na sentimo sa gaás.

Ang paggaláw ng mga presyo ang ika-apat na sunód na pagtaás at pangalawá na ngayon ikalawáng linggó ng Hulyo.

Read more...