Ni-‘recycle’ lang ni Trillanes ang plunder complaint niyá – Go

PHOTO: Christopher Go STORY: Ni-‘recycle’ lang ni Trillanes ang plunder complaint niyá – Go
Sen. Christopher Go —File photo mula sa INQUIRER.net)

METRO MANILA, Philippines — “Recycled.” Ito ang reaksyón ni Sen. Christopher “Bong” Go sa inihaing reklamo ng plunder o pandarambong na inihain ni dating Sen. Antonio Trillanes IV laban sa kanyá at kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Aniya sinagot na nilá ni Duterte ng paulit-ulit na katulad na reklamo.

“Sa totoo lang lumang tugtugin na ito. Taong 2018 pa ang akusasyon na iyan. Ni-recycle noong 2021 pero wala pa rin siyang napatunayan, Ngayon papasok na naman ang halalan sa 2025, nagiingay na naman siya upang mapag-usapan,” sabi ni Go patukoy kay Trillanes.

BASAHIN: Reklamong plunder laban kay Duterte, Go ihinain ni Trillanes sa DOJ

Tinawag pa niya na “attack dog” at tamad si Trillanes.

Pagdidiin niya, hindi siya kailanman nang-impluwensiya sa anumang transaksyon, kontrata o bidding sa gobyerno.

Sa kabilang banda, sinabi din ni Go na maaring maganda ang ginawa ni Trillanes para matuldukan na ang isyu at hindi na mabuhay muli.

Read more...