Pagpatáy sa dinukot na 2 foreign traders sa Bicol tutukán ng PNP
METRO MANILA, Philippines — Magsasagawâ ang Anti-Kidnapping Group (AKG) ng Philippine National Police (PNP) ng malalimang imbestigasyón sa pagdukot at pagpatáy sa dalawáng banyagang negosyante sa Camarines Sur.
Sinabi ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo na dumatíng sa Pilipinas noon lamang ika-20 ng Hunyo ang dalawáng negosyante — isáng Chinese at isáng Chinese-American — para makipagkita sa kaniláng posibleng magíng Chinese business partners.
Isáng kaanak ng isá sa kanilá ang nagsumbóng na dinukot ang dalawá at humingí ng 5 milyon na yuan ang mga kidnaper at nang maibabâ sa 3 milyon na yuan ang ransom demand ay agád itóng ipinadalá sa mga kidnapper.
BASAHIN: Police major, 3 pa sangkót sa kidnapping gang – Abalos
BASAHIN: Ex-cop, 3 pa timbog sa tangkang kidnap sa Chinese businesswoman
Ngunit hindí namán pinakawalán ang dalawáng biktima at hindi na nakikipag-usap ang mga kidnapper.
Noong ika-4 ng Hunyo, nadiskubre ang mga katawán ng dalawáng biktima sa isáng hukay sa liblíb na bahagì ng Barangay Patitinan sa bayan ng Sagñay.
Nakikipag-ugnayan na ang AKG sa Chinese Embassy, at nabatíd ng Radyo Inquirer na mayroón nang “persons of interest” sa kaso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.