Ex-cop, 3 pa timbog sa tangkang kidnap sa Chinese businesswoman

January 22, 2024 - 11:12 AM

JAN ESCOSIO PHOTO

Natiyempuhan ng mga nagpapatrulyang tauhan ng Pasay City Police ang pagdukot sa isang Chinese businesswoman ng apat na lalaki sa bahagi ng Roxas Boulevard sa Pasay kanina.

Base sa paunang impormasyon, kabilang sa mga suspek ay isang dating pulis na nasibak sa serbisyo noong 2003, samantalang ang iba pang mga suspek ay may mga edad 27, 25 at 47.

Nabatid na nagpapatrulya ang mga tauhan ng Sub-Station 1 Barangay 6 alas-7:30 ng umaga nang mapansin ang komosyon.

Naaktuhan nila ang pagdukot sa 35-anyos na biktima na itinago sa pangalan na Dana mula sa kanyang puting BMW na sasakyan.

Ang mga suspek naman ay mula sa Toyota Land Cruiser Prado, na hinihinalang pinalitan ang plaka at inaalam na kung “hot vehicle.”

Nakumpiska sa mga suspek ang isang .38 revolver, iba pang armas at hinihinalang shabu.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong attempted kidnapping, illegal possession of fireams at paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs.

Inaalam na kung ang mga suspek ang nasa likod ng mga kaso ng panghoholdap at pagdukot sa Chinese POGO workers.

TAGS: chinese, drugs, Kidnapping, POGO, chinese, drugs, Kidnapping, POGO

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.