Escudero, Cayetano hindi sanhí ng Senate building delay – DPWH

PHOTO: Composite image of Senate logo and building facade STORY: Escudero, Cayetano hindi sanhí ng Senate building delay – DPWH
INQUIRER.net file photo

METRO MANILA, Philippines — Umabot na sa 852 na araw ang pagka-antalà sa paggawâ sa New Senate Building sa Taguig City, at ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH) walang kinalaman dito sina Senate President Francis “Chiz” Escudero at Sen. Alan Peter Cayetano.

Sinabi ni Soledad Florencio, director ng DPWH Buildings and Special Projects Management Cluster (BSPMC), na ang pagkaantalà ay bunga ng “variaton orders” — o mga pagbabago sa itinatayóng bagong gusalì ng Senado.

Sinabi ni Florencio sa pagdiníg ng Senate Committee on Accounts kahapong Miyerkules na naaprubahan ang mga “variation orders.”

Una nang inanunsyo ni Escudero  na pinasuspindî niyá ang mga paggawâ dahil lumobo sa higít ba P23.3. na bilyon ang kabuuáng halagá ng gusalì kasama na ang halagá ng lupà na kinakatayuan nitó.

Nagbangayán din sa pagdiníg siná Cayetano at si Sen. Nancy Binay, na dating chair ng Committee on Accounts, dahil sa kanya-kanyáng paninindigan sa magkaibaág halagá ng mga gastusin sa gusalì.

Bago mag walk out sa pagdiníg si Binay, pinasalamatan niyá pa si Cayetano. at sa kanyáng pagtayô namán ay nasabihan siyá ni Cayetano ng “nabubuwáng ka na, ’day.”

Read more...