Gilas Pilipinas binulagâ ang Latvia, 89-80, sa 2024 FIBA OQT

PHOTO: Gilas Pilipinas men’s basketball team sa FIBA OQT
Pinangunahan ni Justin Brownlee ang Gilas Pilipinas’ sa pagtalo nitó host Latvia para simulâ ng mga kampanyá ng mga Filipio sa Fiba OQT. –FIBA PHOTO

METRO MANILA, Philippines — Makalipas ang mahigít anim na dekada, tinalo ng Pilipinas ang isang koponan sa Europa nang gulatin ng Gilas ang national team ng Latvia, 89-80, sa 2024 FIBA Olympic Qualifying Tournament (OQT).

Noóng 1960 Olympics ang hulíng panalo ng Pilipinas laban sa isang koponan mulâ sa Europa, nang malusután ang Spain, 84-82.

Binanderahan ni Justin Brownlee ang Gilas ng 26 ba puntos at nakipagsanib puwersa sa kanyá si Kai Sotto, na nag-ambag ng 18 puntos.

BASAHIN: Gilas Pilipinas nanalo ng gintong medalya sa Asian Games

BASAHIN: Gilas Pilipinas nagrehistro ng 106-53 blowout vs Chinese Taipei

Tatló pang manlalarò ang nakaiskór ng higít sa 10 — Dwight Ramos na may 12, June Mar Fajardo na may 11, at Chris Newsome na may 10.

Sa unáng yugtô pa lang ng larô ay nagpakita na ang Gilas ng determinasyón na masungkít ang panalo at napalobo ang kalamangán hanggáng sa 26 na puntos.

Sa ikatlóng yugtô ay lumobo na sa 26 ba puntos ang lamáng ng Gilas, 74-48.

Naibabâ na lamang ng Latvia sa 10 ang lamang ng Gilas, 81-71, sa hulíng higít tatlóng minuto sa ikaapát at huling yugtó ng laban.

Ngunit nakagawâ ng 4-point play si Brownlee para palobohin mulî sa 14 puntos ang lamáng ng Gilas, 85-71.

Nagkaroón pa ng mga pagkakataón ang Latvia para makahabol at maibabâ na lamang sa waló ang lamáng sa kanilá, ngunit hindí itó nangyari dahil sa depensa ng Gilas at sa pagpasok ng apat na freethrows nina Chris Newsome at Dwight Ramos.

Ngayong Huwebes, 8:30 p.m., oras ditó sa Pilipinas, makakaharáp namán ng Gilas ang Georgia patungo sa semifinals.

Tanging ang kampeon sa OQT ang bibigyan ng tiket para sa 2024 Paris Olympics.

 

Read more...