Gilas Pilipinas nanalo ng gintong medalya sa Asian Games

By Chona Yu October 07, 2023 - 07:37 AM

 

Matapos ang 61 taon, nasungkit ng Pilipinas ang gintong medalya  sa men’s basketball sa 19th Asian Games na ginaganap ngayon sa Hangzhou, China.

Ito ay matapos talunin ng Gilas Pilipinas ang Jordan sa iskor na 70-60.

Taong 1962 nang huling makapag-uwi ng gintong medalya ang Pilipinas sa basketball sa Asian Games nang talunin ang China.

Nanalo ang Pilipinas matapos kumamada ng 20 puntos si Justin Brownlee, 10 rebounds at limang assists.

Inayudahan pa ito ni Ange Kouame ng 14 puntos at Chris Newsome at Scottie Thompson ng tig 13 puntos.

Si  Tim Cone na ang nagsilbing coach ng Gilas Pilipinas matapos palitan si Coach Chot Reyes.

 

TAGS: Asian Games, Gilas Pilipinas, ginto, Justin Brownlee, news, Radyo Inquirer, Asian Games, Gilas Pilipinas, ginto, Justin Brownlee, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.