LPG nagtaás ng presyo Hulyo 1: P6 per 11-kg cylinder

PHOTO: LPG tanks STORY: LPG nagtaás ng presyo Hulyo 1: P6 per 11-kg cylinder
INQUIRER.net stock photo

METRO MANILA, Philippines — Simulâ ngayón, unang araw ng Hulyo, mas mahal na ng P6 ang presyo ng 11-kilogram cylinder ng liquified petroleum gas (LPG) o cooking gas.

Ang 11-kilogram cylinder ang karaniwang gamit sa mga bahay.

Ang pággalaw sa presyo ay base sa inaasahang contract price ng LPG ngayóng buwan ng Hulyo.

Noóng Mayo, natapyasán ng P12.65 ang presyo ng 11-Kg na LPG cylinder dahil din sa nabanggit na dahilán.

Dahil sa pagtaás, ang halagá ng 11-kg LPG cylinder ay higit P925 na pinakamababa at P1,105 na pinakamataás.

Read more...