METRO MANILA, Philippines — Pumayag na ang Timor-Leste na makuha ng Pilipinas ang kustodiya ni dating Negros Oriental Rep. Arnolfo “Arnie” Teves Jr. na may arrest warrant ukol sa murder case ni Negros Oriental Gov. Noel Degamo.
Ipinahayág itó ni Justice Assistant Secretary Jose Clavano nitóng Biyernes.
Dahil sa extradition request ng Pilipinas, mabibigyán na aniya ng pagkakataón si Teves na harapín ang mga kasong isinampa laban sa kanyá.
Aniya nahaharap sa mga kasong murder frustrated murderr at attempted murder si Teves kaugnay sa pagpatay kay Degamo at siyám pang ibá noong ika-4 ng Marso 2023 sa bayan ng Pamplona sa Negros Oriental.
Inilipat na ang paglilitis ng mga kaso sa isang korte sa Maynila dahil sa kautusán ng Korte Suprema.
Inaresto si Teves noong nakaraang ika-21 ng Marso habang naglálaro ng golf sa Dili, Timor Leste base sa red notice na inilabas ng Interpol.