Pagdiníg ukol sa New Senate Building itinakdâ sa ika-3 ng Hulyo

By Jan Escosio July 01, 2024 - 04:44 PM

PHOTO: Composite image of Senate logo and building facade STORY: Pagdiníg ukol sa New Senate Building itinakdâ sa ika-3 ng Hulyo
INQUIRER.net file photo

METRO MANILA, Philippines — Sa Miyerkules, ika-3 ng Hulyo, itinakdâ ni Sen. Alan Peter Cayetano ang pagdiníg ng Senate Committee on Accounts ukol sa itinatayóng New Senate Building.

Ipinahayág ito ni Cayetano, nitóng nakaraáng Biyernes.

Nitóng Lunes namáng ang nakatakdáng deadline ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para isumité ang lahat ng mga dokumento kaugnáy sa proyekto.

BASAHIN: Senate building: Dapat dekalidád sa mababang halagá – Cayetano

BASAHIN: P23-B para sa Senate building? Malî yan – Sen. Nancy Binay

Layunin ng pagdiníg na magtuloy-tulóy na ang paggawâ at maiwasan na ang mga karagdagang gastos dahil sa pagkaka-antalà ng proyekto.

Sa inilabás na pahayag ng komité, ilang beses na itóng nagpadalá ng abiso sa DPWH mulâ noóng nakalipas na ika-14 ng Hunyo, ngunit waláng tugón ang kagawaran.

Una nang inihayág ni Cayetano na napakahalagá na maipagmamalakí ng sambayanán ang bagong tahanan ng Senado.

“Kung magiging masyadong mahál o kung pinaka-magiging maluhò na building sa buóng Pilipinas itó, hindí itó magiging símbolo ng democracy at pride ng ating mga kababayan, kundí kasusuklamán pa ng ibá,” idiniín ng senadór.

TAGS: Alan Peter Cayetano, Department of Public Works and Highways, new Senate building, Alan Peter Cayetano, Department of Public Works and Highways, new Senate building

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.