Senate building: Dapat dekalidád sa mababang halagá – Cayetano

By Jan Escosio June 25, 2024 - 02:56 PM

PHOTO: Alan Peter Cayetano STORY: Senate building: Dapat dekalidád sa mababang halagá – Cayetano
Sen. Alan Peter Cayetano —File photo mulâ sa Philippine Daily Inquirer

METRO MANILA, Philippines — Ang “independent review” ng New Senate Building na kasulukuyáng itinatayô ay ginagawâ para masiguradong mataás ang kalidád nitó pero mababà lang ang halagá, ayon sa pahayág ni Sen. Alan Peter Cayetano nitóng Martés.

Idiniín ni Cayetano, na chair ng Senate Committee on Accounts, ang kahalagahán ng paglikhâ ng isang “iconic” at “functional” na gusalì na magiging símbolo ng demokrasya at maipagmamalakí nga mga tao.

“Kung magiging masyadong mahál o kung pinaka-magiging maluhò na building sa buóng Pilipinas itó, hindí ito magiging símbolo ng democracy at pride ng ating mga kababayan, kundi kasusuklamán pa ng ibá,” wika niyá.

BASAHIN: P23-B para sa Senate building? Malî yan – Sen. Nancy Binay

BASAHIN: Baká lumobo gastos sa tigil-trabaho sa Senate building – Binay

Ibinahagí ni Cayetano na dalawáng sabáy na pagsusurî ang isinasagawâ sa gusalì:

  • isa para sa una at ikalawáng bahagì ng proyekto
  • isa para sa ikatlóng bahagì na nangangailangan ng karagdagang P10 bilyon

Nilinaw din niyá na nagpapatuloy namán ang paggawâ sa Phase 1 at Phase 2 at tanging ang Phase 3 na lang ang pinag-aaralan ng hustó upang hindí kalakihan ang gagastusín sa katulad na kalidád.

Patuloy din ániya ang pakikipag-usap nilá ni Senate President Francis “Chiz” Escudero kiná dating mga chair ng Committee on Accounts — siná Sen. Nancy Binay at dating Sen. Panfilo “Ping” Lacson — gayundín sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at Senate Coordinating Group.

Tinatapos lamang ániya ang  independent review at mabibigyáng linaw ang lahát.

TAGS: Alan Peter Cayetano, new Senate building, Alan Peter Cayetano, new Senate building

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.