Mga napapatay sa anti-drug ops, higit 100 na

 

File photo

Umakyat na sa 103 katao ang napapatay sa mga inilunsad na anti-illegal drug operations ng PNP.

Sa huling datos na inilabas ng PNP mula noong May 10 hanggang July 3, nanguna ang Region 4A sa may pinakamaraming bilang ng mga napapatay na drug suspects na umabot sa 43 katao.

Sinundan ito ng Region 3 na nakapagtala ng 31 napatay na drug suspects habang anim lamang ang na neutralized na drug suspects ng NCRPO sa loob ng dalawang buwan.

Habang nasa 5,845 na mga hinihinalang tulak ng ipinagbabawal na gamot ang naaresto ng pulisya sa kaparehong panahon.

Read more...