Asahang mabubuhay ang industriya ng ‘patay’ sa taong ito.
Ito ang pananaw isang opisyal ng Philippine Franchising Industry o PFA sa gitna ng lumulobong bilang ng mga drug related deaths sa bansa.
Gayunman, hindi naman direktang iniugnay ni Samie Lim, chairman ng PFA, ang dumadaming kaso ng mga drug related killings sa pagtaas ng kita ng mga punerarya.
Aniya, dahil sa taas ng populasyon sa bansa, marami sa mga Pinoy ang nagnanais na mabigyan ng maayos na funeral services ang kanilang mga mahal sa buhay.
Marami na rin aniya sa mga funeral homes ang nagbabanalak na ring magpa-franchise upang mas maikalat pa ang kanilang serbisyo sa mga probinsya.
Bukod aniya sa mga funeral homes, asahan din ang paglago ng kita ng mga rehabilitation centers ,drug testing facilities.
Mas lalakas din aniya ang mga negosyong tulad ng pet funeral homes at cemeteries, pet hotels at pet grooming centers ngayong taon.
Matatandaang sa pagkatapos pa lamang Manalo sa eleksyon ni Pangulong Rodrigo Duterte, lumobo na ang bilang ng mga napapatay na drug pusher umano at gumagamit ng droga sa iba’t-ibang panig ng bansa.
Sa pinakahuling tala, nasa higit 100 na ang mga drug related killing sa kaslaukuyan.