Ilegál na mga POGO may koneksyón ba sa isá pang scandal?

PHOTO: Collage of cards and casino chips superimposed over photo of a POGO raid. STORY: Ilegál na mga POGO may koneksyón ba sa isá pang scandal?
INQUIRER.net stock photo

METRO MANILA, Philippines — Nagpahiwatig si Sen. Risa Hontiveros na inaalám na nilá kung ang mga nabubunyág na ilegál na mga Philippine offshore gaming operator (POGO) hubs ay may kaugnayan sa malakíng kontrobersya na inimbestigahán na din ng Senado.

Tumanggî si Hontiveros na tukuyin ang naunáng kontrobersiya dahil sa sinusubukan pa niláng mabuô ang “puzzle” ng posibleng kaugnayan nitó sa pag-iimbestigá nilá ngayon sa mga POGO.

Itó rin aniya ang dahilan kayát hindí pa maisará ng pinamumunuan niyang Committtee on Women and Children ang pagdiníg ukol sa sinalakáy na POGO hub sa Bamban, Tarlac, na nasundan pa ng isa pang POGO hub sa Porac, Pampanga.

BASAHIN: Lapid dumaló sa POGO hearing para sagutín paratang ng vlogger

BASAHIN: Puksaín mga sindikato, huwág mga POGO – Pagcor chief Tengco

May impormasyón na ang maaaring tinutukoy na naunáng kontrobersiya ay ang Pharmally scandal — o ang isyu ng “overpriced COVID-19 essentials.”

Sa pagdinig kahapong Miyerkules, naipakita ang isáng larawan na magkasama siná suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Nagsimuláng mamayagpág ang mga POGO sa bansâ sa nakalipas na administrasyon.

Read more...