Lapid dumaló sa POGO hearing para sagutín paratang ng vlogger

By Jan Escosio June 26, 2024 - 05:43 PM

PHOTO: Lito Lapid STORY: Lapid dumaló sa POGO hearing para sagutín paratang ng vlogger
Sen. Lito Lapid —File photo mula sa Senate Public Relations and Information Bureau

METRO MANILA, Philippines — Dumaló si Sen. Lito Lapid nitóng Miyerkules sa pagdiníg ng Senate Committee on Women and Children tungkól sa nadiskubreng Philippine offshore gaming operator (POGO) hub sa Porac, Pampanga.

Inamin ni Lapid na ang kanyáng pagdaló ay para linisin ang kanyáng pangalan.

Ibinahagí nití na isang vlogger ang paulit-ulit na inakusahán siyá na may-arì ng lupà na pinagtayuán ng POGO hub sa Porac.

Nagpahayág pa ito ng kahandaán na magbitíw sa puwesto kung mapatunayan na may kinalaman siyá sa POGO hub ng Lucky South 99.

BASAHIN: Lapid nais maimbestigahán ang sinalakay na POGO hub sa Porac

BASAHIN: PAOCC hihingî ng court order para buksán 53 na POGO hub vault

Direktang niyáng tinanong si Porac Mayor Jaime Capil kung sino ang may-arì ng lupà. Ang sagót niyá ay hindí si Lapid kundi magkapatíd na nagngangalang Cruz.

Una nang hinilíng ni Lapid na maisama sa pag-iimbestigá ng komit´ ang POGO hub sa Porac dahil nais nitong mapanitilî ang magandáng imahe ng kanyáng bayan.

 

 

TAGS: illegal POGO hub, Lito Lapid, illegal POGO hub, Lito Lapid

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.