PAOCC hihingî ng court order para buksán 53 na POGO hub vault

By Jan Escosio June 24, 2024 - 06:23 PM

PHOTO: Collage of cards and casino chips superimposed over photo of a POGO raid. STORY: PAOCC hihingi ng court order para buksán 53 na POGO hub vault
INQUIRER.net stock photo

METRO MANILA, Philippines — Hihilingín ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa korte na payagan nitóng buksán ang kinumpiskang 53 na vault sa sinalakay na illegal Philippine offshore gaming operator (POGO) hub sa Porac, Pampanga.

Pinaliwanág ni PAOCC spokesman Winston Casio na kailangan din nila ang presensiya ng kinatawan ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) sa pagbubukás ng mga vault.

Sinabi rin ni Casio na hihingí din silá ng warrant sa korte para masurì ng Criminal Investigation and Detection Group ang mga kinumpiskáng mga computer at laptop mulâ sa sinalakay na POGO hub.

BASAHIN: Lapid nais maimbestigahán ang sinalakay na POGO hub sa Porac

BASAHIN: Revilla, Estrada naalarma sa China PLA uniforms sa POGO hub

Paniwalà ang awtoridad na naglalamán ang mga ito ng mga ebidensya na magagamit sa pagsasampá ng mga kaso.

Nabatíd ng Radyo Inquirer na mayroóng 12 na persons of interest ang PAOCC kaugnáy sa isinagawáng operasyón.

Itóng Martés, maghahain na ang PAOCC sa Department of Justice (DOJ) ng mga kasong kidnapping at serious illegal detention sa iláng mga indibiduwal.

TAGS: illegal POGO hub, Presidential Anti-Organized Crime Commission, illegal POGO hub, Presidential Anti-Organized Crime Commission

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.