Angara: Tatak Pinoy Act magiging daan ng maraming “foreign investments”
Tiwala si Senator Sonny Angara na makakatulong ang Tatak Pinoy Act para madagdagan pa ang pamumuhunan sa bansa.
Paliwanag ni Angara dahil sa isinulong niyang batas mababawasan ang “red tape” na ikinadidismaya ng mga banyagang negosyante.’
Binanggit niya ang pahayag ni German Ambassador to the Philippines Andreas Pfaffernoschke na nagiging balakid ang “red tape” sa pagpapalawak ng pamumuhunan sa bansa ng mga banyagang negosyante.
Tinukoy ni Pfaffernoschke ang napakaraming permit na kakailangan, maging ang korapsyon.
“Over the years we have seen improvements in dealing with the issue of red tape, including the enactment of the Republic Acts 9485 or the Anti-Red Tape Act (ARTA) and 11032 or the Ease of Doing Business (EODB) Act, both of which aim to speed up transactions with government. These are good laws but clearly, a lot more has to be done,” ani Angara, ang awtor ng dalawang batas.
Dagdag pa ni Angara, ngayon mayroon ng R.A. 11981 o ang Tatak Pinoy (Proudly Filipino) Act matutugunan na ang mga pangamba at pag-aalala ng mga banyagang mamumuhunan para sa pag-unlad ng ekonomiya ng Pilipinas at magbibigay ng mga oportunidad sa mga Filipino.
” Under Section 15 of the Tatak Pinoy Act, green lanes for Tatak Pinoy investments will be established in order to expedite and streamline the processes and requirements for the issuance of permits, licenses, certifications or authorizations. An export green lane facility will also be established for qualified exporters for advanced processing and clearances of their export requirements, including the importation of critical raw materials and capital equipment under the Bureau of Customs, Food and Drug Administration, and other regulatory authorities,” paliwanag ng senador.
Ang batas aniya ang nagpatibay sa Executive Order No. 18 ni Pangulong Marcos na insiyu noong nakaraang taon kaugnay sa pagtatalaga ng “green lanes for strategic investments.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.