Charger nagíng mitsâ ng sandalíng sunog sa Dumaguete airport

PHOTO: Map of Negros Oriental STORY: Charger nagíng mitsâ ng sandalíng sunog sa Dumaguete airport
File photo mulá sa INQUIRER.net

METRO MANILA, Philippines — Itinurò ang isang laptop charger na sanhi ng sandalíng sunog sa Dumaguete-Sibulan Airport as Negros Oriental noong Linggó ng gabí.

Base sa ulat ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), 8:23 p.m. nang magsimuláng umusok at mag-apóy ang naiwang nakasaksák na laptop charger.

Mabilís namán itóng naapulá ng isang security personnel gamit ang fire extinguisher makalipas ang dalawáng minuto.

BASAHIN: 19 sasakyan nasunog sa parking lot ng NAIA Terminal 3

BASAHIN: Sunog sa PGH, 181 pasyente inilikas

Kinailangan lamang na ilikas sa airport ramp area ang 160 na mga pasahero dahil sa mabahong amóy.

Dagdág pa ng CAAP, walang naapektuhang biyahe at nakabalík din sa pre-departure area ang mga pasahero makalipas ang iláng minuto.

Dahil sa insidente, pinaalalahanan ng ahensya ang mga pasahero na bantayán ang kaniláng mga gadget at tiyakín na nasa maayos na kondisyón ang mga ito.

Read more...