Sunog sa PGH, 181 pasyente inilikas

By Jan Escosio March 13, 2024 - 09:25 PM

Nasunog ang isang bahagi ng Philippine General Hospital (PGH) sa Maynila kaninang hapon at 181 pasyente ang kinailangan na ilikas.

Ayon kay Manila Fire Marshall Sr. Supt. Christine Cula alas-3:08 nang itaas ang sunog sa 1st alarm at umabot ito sa ikalawang alarma alas-3:11, bago idineklarang “under control” alas-3:45 at 4:30 nang ideklarang “fire out.”

Sinabi naman ni University of the Philippines-PGH spokesperson Jonas del Rosario na 181 pasyente ang kinailangan ilikas at 165 sa kanila ay mula sa apat na wards, anim mula sa Central Adult and Pediatric Intensive Care Unit at 10 naman mula sa the Medical Intensive Care Unit.

Nabatid na nagsimula ang sunog sa audio-visual room, na nasa likod lamang ng Ward 1.

Dagdag pa ni del Rosario mabilis na nailikas ang mga pasyente at walang nagreklamo na nakalanghap ng usok.

Ayon naman sa Department of Health (DOH) agad na sumaklolo ang kanilang Health Emergency Management Bureau (HEMB) para mailipat ang mga naapektuhang pasyente sa ibat-ibang pampublikong ospital.

Inaalam pa ang pinagmulan ng apoy.

TAGS: pgh, sunog, pgh, sunog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.