METRO MANILA, Phililppines — Binalaan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga benepisaryo ng ayuda sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na may kumakalat na mga pekeng payout schedule sa Facebook.
Nilinaw ng DSWD na hindi itó naglabás ng mga payout schedule, at nangangambá itó na magdudulot itó ng kalituhan sa mga benepisaryo ng programa.
Tiniyák din ni Social Welfare Assistant Secretary Irene Dumlao na hindi isinasapubliko ang mga detalye ng mga benepisaryo alinsunod sa Data Privacy Act of 2012.
Aniya ang lahát ng anunsiyo na may kinalaman sa programa ay inilalathala ng DSWD sa official Facebook page ng 4Ps.
Bukód dito, ang nagbibigáy ng opisyál na schedule ng pagbibigáy ng ayuda ay isinasagawâ sa pamamagitan ng City/Municipal Links (C/MLs), sa tulong ng Parent Leaders (PLs), sa target areas.
Magíng ang Landbank of the Philippines, dagdág pa ni Dumlao, ay awtorisadong mag-anunisyo ng payout schedules o kung kailan naipasok na sa bank accounts ang ayuda.