METRO MANILA, Philippines — Nagbitíw na si Vice President Sara Duterte bilang secretary ng Department of Education (DepEd).
Sa Facebook post ng Presidential Communications Office (PCO), alas-2:21 ngayon hapon ng Miyerkules nang magtungo sa Malacañang si Duterte para ipaalám kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyáng pagbitíw sa posisyón.
Epektibo din sa daratiíng na ika-19 ng Hulyo ang pagbibitiw ni Duterte bilang vice chairperson ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-Elcac).
BASAHIN: Sara Duterte pinurì ni Marcos sa birthday niyá
BASAHIN: Pangulong Marcos: Sara Duterte hindi deserve ma-impeach
Ayon pa sa PCO, tumanggî si Duterte na ibahagî ang dahilán ng kanyáng resignasyón.
Patuloy namán siyáng magsisilbí bilang bise presidente ng bansâ.