Pangulong Marcos: Sara Duterte hindi deserve ma-impeach

By Chona Yu November 20, 2023 - 11:18 AM

 

Screengrab from PCOO’s FB live stream

Ayaw ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ma-impeach o mapatalsik sa puwesto si Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Pangulong Marcos, hindi deserve ni Duterte na maalis sa puwesto.

Sabi ni Pangulong Marcos, excellent ang kanilang relasyon ni Duterte.

Ginawa ni Pangulong Marcos ang pahayag sa gitna ng ugong na may nilulutong impeachment ang Kamara.

Sabi ni Pangulong Marcos, binabantayan ng mabuti ng kanilang hanay ang sitwasyon sa Kamara.

Sabi ni Pangulong Marcos, lahat naman sila ay mayroong mga detractors at hindi nab ago ito.

Dagdag ng Pangulo, hindi na ito nakababahala para sa katulad nilang may mataas na katungkulan sa gobyerno.

Pagtitiyak ni Pangulong Marcos, walang lamat ang UniTeam ngayon. Katunayan, sinabi ng Punong ehekutibo na mas tumibay pa nga ang kanilang relasyon.

 

 

TAGS: bongbong marcos, impeach, news, Radyo Inquirer, Sara Duterte, bongbong marcos, impeach, news, Radyo Inquirer, Sara Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.