DOLE maghihigpít sa bigayan ng alien employment permit

By Jan Escosio June 19, 2024 - 01:40 PM

PHOTO: DOLE logo over an auditorium STORY: DOLE maghihigpít sa bigayan ng alien employment permit
DOLE logo over an auditorium —INQUIRER.net FILE PHOTO

METRO MANILA, Philippines — Nangakò si Labor Secretary Bienvenido Laguesma na hihigpitán ang pagbibigáy ng alien employment permit (AEP) sa mga banyagà na nais magtrabaho sa Pilipinas.

Sinabi ni Laguesma na magiging istrikto ang screening process bunsód na rin ng pagkaka-aresto ng napakaraming banyagà sa mga sinalakay na illegal Philippine offshore gaming operators (POGOs).

Nadiskubré na waláng dokumento o pekè ang mga dokumento ng mga inarestong banyagà.

BASAHIN: Iláng ahensya isasalang sa Kamara ukol sa alien documents

“Bukód sa pagsusurî ng mga dokumento and pag-submit ng mga requirement, meron din pong isinagawáng inspection ang ating mga frontliner sa ibat-ibáng regional offices lalo na dito sa National Capital Region kasí dito may concentration ang naga-apply ng AEP,” sabi ng kalihim.

Dagdág pa niyá may “data sharing agreement” ang DOLE sa Bureau of Immigration (BI) para matiyák na waláng banyagà na nagbabalak na ilegál na makakapasok sa bansâ at makapag-trabaho.

Ibinahagi pa niyá na may ugnayan din ang DOLE sa Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor) sa pagsasagawâ ng mga inspeksyón sa mga POGO ng tinatawag na internet gaming licensees (IGLs).

TAGS: Alien Employment Permit, Department of Labor and Employment, Alien Employment Permit, Department of Labor and Employment

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.