Iláng ahensya isasalang sa Kamara ukol sa alien documents
METRO MANILA, Philippines — Gustóng mabusisì ni ACT-CIS Party-list Rep. Erwin Tulfo ang proseso sa pagbibigáy ng mga dokumento sa mga banyagà kasunód nang pagdagsâ ng mga Chinese national sa Pilipinas.
Ngayon araw ng Martés, inaasahan na ihahain ni Tulfo ang resolusyón para maimbestigahán sa Kamara ang pagbibigáy ng Special Resident Retiree’s Visas (SRRV) at Special Investor’s Resident Visa (SIRV), gayundin ang hindi agád pagpaparehistro ng kapanganakan.
“Nakababahalà ang patuloy na pagdagsâ ng mga Chinese nationals sa ating bansâ at ang mas nakababahalà ay kung paano silá nakapasok sa atin? Anó ang mga pinanghahawakan niláng dokumento bakit sila nakapag-trabaho ng legál sa ating bansa,” sabi ni Tulfo, ang House deputy majority leader for communications.
Binanggít pa ng mambabatas na, base sa datos mula sa Philippine Retirement Authority (PRA), may 79,000 foreign retirees sa bansía at higit 30,000 sa kanilá ay Chinese.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.