Padilla ipabubusisì ang tangkáng pag-aresto kay Quiboloy
METRO MANILA, Philippines — Naghain ng resolusyón si Sen. Robinhood Padilla para malaman kung nagkaroón ng paglabág sa karapatáng pantao sa ikinasáng operasyón ng pulís para maaresto si Pastor Apollo Quiboloy sa Davao City.
Hinilíng ni Padilla sa kanyang Senate Resolution No. 1051 na maimbestigahán ng Committee on Public Order and Dangerous Drugs ang maaaríng sobrang puwersa na ginamit sa pagpasok sa Kingdom of Jesus Christ (KJC) Compound.
Binanggít ni Padilla sa resolusyón ang mga impormasyón na may mga nasaktán na miyembro ng KJC sa pagsisilbí ng pitóng arrest warrant para kay Quiboloy at sa limá niyang tagasunód.
BASAHIN: Davao PRO chief sibák matapos ng arrest operation kay Quiboloy
BASAHIN: Limang baril ni Apollo Quiboloy isinuko na sa PNP
Idiniín ng senadór na napakahalagaá na maprotektahan ang mga karapatáng pantao sa pagtataguyod ng kaayusán, paggarantiya sa kaligtasan ng publiko, at pagrespeto sa mga batás.
Dapat aniya malaman kung may nagíng paglabág ang mga tauhan ng Special Action Force (SAF) at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Human Rights-Based Policing ng Philippine National Police (PNP).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.