METRO MANILA, Philippines — Tinapos na ngayóng Miyerkulés ng Court of Appeals sa Timor-Leste ang pagdiníg sa extradition case ni dating Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr., ayon sa Department of Justice (DOJ).
Sa pahayág ng DOJ, binigyan ng Court of Appeals ang panig ng prosekusyón at depensa na magsumité ng kaniláng memorandum ukol sa kaniláng mga argumento at posisyón.
Ipinaliwanag pa ng DOJ na ang Timor-Leste Central Authority ang unang magsusumité ng mga argumento bago ang kampo niná Teves.
BASAHIN: Arnolfo Teves kinasuhan ng murder dahil sa Degamo killing
BASAHIN: Alertist Orders laban kay ex-Rep. Arnie Teves inilabas ng BI
Inaasahan na bago matapos ang kasalukuyang buwan ay maipapalabaá na ang desisyón ng korte.
Kumpyansa namán ang DOJ na makakakuha ang gobyerno ng Pilipinas ng pabór na desisyón sa hilíng na pauwiín ng Pilipinas si Teves.
Inaresto ng International Criminal Police (Interpol) si Teves noong ika-21 ng Marso.
Nahaharáp ng mga kasong kriminál ang dating mambabatas kaugnáy sa pagpatáy kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo noong ika-4 ng Marso 2023.