Pagdiníg sa extradition case ni dating Rep. Teves tapós na

By Jan Escosio June 19, 2024 - 01:00 PM

PHOTO: Former Negros Oriental Rep. Arnulfo Teves Jr. STORY: Pagdiníg sa extradition ni dating Rep. Arnulfo Teves tapós na
Former Negros Oriental Rep. Arnulfo Teves Jr. —File photo mulâ sa Philippine Daily Inquirer

METRO MANILA, Philippines — Tinapos na ngayóng Miyerkulés ng Court of Appeals sa Timor-Leste ang pagdiníg sa extradition case ni dating Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr., ayon sa Department of Justice (DOJ).

Sa pahayág ng DOJ, binigyan ng Court of Appeals ang panig ng prosekusyón at depensa na magsumité ng kaniláng memorandum ukol sa kaniláng mga argumento at posisyón.

Ipinaliwanag pa ng DOJ na ang Timor-Leste Central Authority ang unang magsusumité ng mga argumento bago ang kampo niná Teves.

BASAHIN: Arnolfo Teves kinasuhan ng murder dahil sa Degamo killing

BASAHIN: Alertist Orders laban kay ex-Rep. Arnie Teves inilabas ng BI

Inaasahan na bago matapos ang kasalukuyang buwan ay maipapalabaá na ang desisyón ng korte.

Kumpyansa namán ang DOJ na makakakuha ang gobyerno ng Pilipinas ng pabór na desisyón sa hilíng na pauwiín ng Pilipinas si Teves.

Inaresto ng International Criminal Police (Interpol) si Teves noong ika-21 ng Marso.

Nahaharáp ng mga kasong kriminál ang dating mambabatas kaugnáy sa pagpatáy kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo noong ika-4 ng Marso 2023.

TAGS: Arnulfo Teves, extradition, Arnulfo Teves, extradition

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.