Pagcor dapat isará na ang mga ilegál na POGO – Jinggoy Estrada
METRO MANILA, Philippines – Dapat lang na kumilos na ang Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor) laban sa halos 250 na ilegál na Philippine offshore gaming operators (POGOs), sabi ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada nitóng Biyernes.
“Kung may sapat na impormasyon na ang Pagcor tungkol dito, huwag na sana silang magpatumpik-tumpik pa sa pagpapasaraá ng mga ilegál o unlicensed na POGOs,” sabi ni Estrada.
BASAHIN: Revilla, Estrada naalarma sa China PLA uniforms sa POGO hub
BASAHIN: Lapid nais maimbestigahán ang sinalakay na POGO hub sa Porac
Dapat din aniya makipag-ugnayan ang Pagcor sa Bureau of Immigration sa pagkanselá ng visa ng mga banyagà na mahuhuling nagta-trabaho sa ilegál na POGO.
“Walang mabuting naidudulot ang patuloy niláng pamamalagì sa atin dahil, bukód sa hindí namán silá nagbabayad ng kaukuláng buwís, samu’t saring krimén at paglabág sa ating batás ang ginagawâ ng mga itó,” diín pa ng senadór.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.