P392 ibabawas sa bayad sa kuryente ng Meralco

Meralco logo superimposed over power lines
INQUIRER.net stock image

METRO MANILA, Philippines — Aabót sa P392 ang mababawas sa bayad sa kuryente mulâ sa Manila Electric Company (Meralco) sa mga nakakakonsumo ng 200 kilowatt-hour kada buwán.

Base ito sa kabawasáng P1.96 per kwh na inanunsiyo ng Meralco kahapon.

Ang mga sumusunód naman ang iba pang bawas:

BASAHIN: Meralco tataas singil sa kuryente ngayon buwan ng Mayo

BASAHIN: Mas mura ang kuryente mula sa nuclear energy – JV Ejercito

Sa inilabás na abiso ng Meralco, ang kabawasán sa singíl sa kuryente ay bunga nang “installment basis” na paniningíl ng generation charge mula sa Wholesale Electricity Spot Marker (WESM) alinsunod sa kautusán ng Energy Regulatory Commission (ERC) noóng ika-13 ng Hunyo.

Ang installment basis na paniningíl ay hanggáng sa Setyembre.

Nag-anunsiyo noong nakaraang linggó ang Meralco ng karagdagang P0.6436 per kwh sa singíl ngayóng buwán ng Hunyo.

Read more...