METRO MANILA, Philippines — Tumanggáp ng P150,000 bawat isa sa mga 21 Filipino seafarers na umuwi ng Pilipinas matapos makaranas ng pag-atake ng Houthi rebels sa Red Sea.
Ang tulong pinansiyál ay mulâ kiná House Speaker Martin Romualdez at sa kanyang maybahay, Tingog Party-list Rep. Yedda Marie Romualdez.
Nabatíd ng Radyo Inquirer na ang kabuuaág P3.15 milyon na ibinigáy sa mga marino ay mulâ sa personal calamity funds ng mag-asawang Romualdez.
BASAHIN: 3 nasawíng OFW sa Kuwait , 21 nailigtás na seafarer parating
BASAHIN: 2 Pinoy seamen patay, 3 sugatan sa pag-atake ng Houthi rebels sa Yemen
Ang tulong ay personál na iniabót ni Tingog Party-list Rep. Jude Acidre sa pagdating ng 21 marino sa NAIA Terminal 3 ngayóng Lunes.
Kabilang ang 21 sa mga tripulante ng MV Tutor na nagíng target ng missile at drone attacks ng Houthi rebels noong nakaraáng ika-12 ng Hunyo.´
Bukód sa bigáy ng mga Romualdez, tumanggáp din ang mga seafarer ng iba ayuda:
- P50,000 mulâ sa DMW
- P10,000 mulâ sa Overseas Workers Welfare Administration
- P20,000 mulâ sa Department of Social Welfare and Development
At bago pa sila bumiyahe pauwî mulâ sa Bahrain, nakatanggáp din silá ng tig 192 Bahraini dinars — o P30,000.